Ang Hugot ng Buhay: Para kanino ka #Humuhugot?

#Hugot

Hindi na bago sa atin ang “hashtag hugot” ngayon lalong-lalo na sa panahon ng social media era. Pero ano ba talaga ang hugot na pinagsasabi natin?

Sa observations ko, ang tinatawag natin na Hugot ay mga salita na madalas na naglalarawan sa ating mga nararamdaman. Ito ay “words left unsaid” na dinadaan natin sa quotes, punchlines o di kaya sa mga kanta na “perfectly describes my situation right now”. Pati nga sama ng panahon napapahugot nga tayo eh. Tulad ng “mabuti pa ang Bagyo may land fall, ikaw ba kailan ka ba ma-fall sa akin?”.  O di kaya, sa maliliit na bagay tulad ng “Mabuti pa ang EDSA may forever sa traffic, tayo walang forever”.

Halos lahat ng bagay napapahugot tayo. Maliit man o malaki. Umaraw man o umuulan. Huhugot at huhugot parin tayo. Mabuti na lang may social media website no? We can freely express our hugots, I mean, ourselves. Its a free country after all, I can do what I want!

Anyway highway, bakit ko nga ba to sinusulat habang may reading materials na kailangan  kong basahin na due bukas na hindi pa tapos? Oo nga pala. Hugot ang dahilan.  So, ito na nga. Balik sa hugot na yan.

As a person who loves to read and write anything under the sun, likas na sa akin na ma-appreciate ang mga lines na “pain demands to be felt” ni John Green o di kaya ang infamous line na “Love is like the wind, you can’t see it but you can feel it.” sa A Walk to Remember ni Nicolas Sparks. At yung mga bagay din na nakakarelate ako  na masasabi ko talaga “I feel you teh! Pa-repost!”.

It’s not just about how these words are well-organize to make a beautiful phrases but it’s about how these words speak in behalf of us; Words that we thought that are better left unsaid yet unconsciously we’re able to express it freely on the most indirect way as possible that we often recognize it. Parang our subconscious find its way to speak up what we felt and betrayed our inner self who is best on hiding everything behind our smile.

Hugot is not just a free verse expression that I (most) tweeted but I think it is a glimpse of how I felt that I tried to deny. I don’t know if you guys ever felt this way before na in-denial ka sa mga lumalabas sa bibig mo. Katulad ng tinatanong ka “nagseselos ka no?” tapos sabihin mo na “hindi” but your eyes says otherwise. Parang ganyan ang hugot. A reflection of your thoughts and feelings that you consciously tried to forget but unconsciously unleashed thru your words and actions.

Honestly, hindi ko din alam kung saan ako humuhugot sa mga hugot tweets ko. Kagaya ng hugot tweets ko sa #PsychHugots na bumebenta naman sa ibang followers ng Psych Grads of Manila. What I really did was just recall a one word lesson, incorporate to mainstream situations, and viola! hugot tweet sent na. Lakas nga makasabog notifs eh.

Minsan, natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit ang dami ko nang pinanghuhugutan.  I never even got into a formal relationship. Palagi na lang ako na stucked sa “almost” na yan. Palagi na lang sa “what if” stage o di kaya sa “mutual understanding” lang. No more, no less. Walang happy monthsary na ganap. Imbes na mag grow ang Mutual Understanding na yan, nagiging Malabong Usapan sa huli.

Kaya siguro I don’t have a hard time to tweet hugot lines. It may be funny to think that paulit-ulit ako umaasa sa fairytales at forever but until now, hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na nag eexist ang forever sa mundong puno ng paasa, umaasa at pinaasa.

This world might be cruel for a lot of people but still, there will always be a silver lining that it’s not cruel after all. Katulad ng akala mo walang tutulong sayo kapag na stranded ka sa P. Noval dahil umuulan at likas na bumabaha ang Espanya. You were so hopeless since you’re fidgeting on the coldness of being soaked in the rain. Malas right? pero kahit ganun nangyari, may tao parin nagmamalasakit na tulungan ka kahit walang kapalit, kahit isa kang basang sisiw na estranghero na napadaan lang. At the end of the day, masasabi mo talaga na bumalik ang paniniwala mo sa kabutihan ng mga tao. Kumbaga restoring your faith in humanity. (This is true to life. Salamat sa water refilling/laundry station na nagpatuloy sakin dahil basang-basa na ako)

Kahit naman minalas ako sa lovelife, almost perfect naman ako sa pagmamahal ng pamilya ko at sa ambitions ko na unti-unting natutupad by God’s grace.Masaya parin ako kahit papano. Marunong naman akong umappreciate kung anong meron ako.

What makes it more amazing I gained a lot of friends dahil sa pagfafangirling ko over UAAP (Hi @KIMLOFANS and @KENTLAOFANS) at pagsusulat sa wattpad. And of course, twitter friends na nagka interesado sa akin sa likod ng mga hugot ko. I also have friends all over the world who are missionaries and faith defenders who inspires me every now and then to take a step closer to God. Lahat ng ito ay blessings in disguise. Hindi ko man ito inaasahan pero they came at the right moment when I felt like my life is dull. Sila ang dahilan kung bakit may positive side parin ako sa buhay. They are my source of positiveness amidst the negative traffic of everyday life.

Kahit lugi sa lovelife, solve naman sa pagmamahal ng mga taong tinatawag kung mga kaibigan. They slowly break my walls that I build for a long time. Aaminin ko. I isolated myself from others noon dahil na trauma ako that leads to trust issues. Minsan na rin ako nagtiwala ng sobra sa mga taong akala ko ay kaibigan pero hindi pala. Ginamit lang nila ako. I was a laughing stock and a source of gossips dahil sa isang kaibigan na I trusted the most pero she choose to betray me and spread rumors that were not true. (No hard feelings na, I already forgave her). Siguro nga, hindi lang kulang ang masama. Minsan din ang sobra, nakakasama.

Despite that one traumatic memory, I manage to stand up and go on with life. At one moment, I think about how worthless I am but I never think to end my life. I choose to fight. I choose to prove them wrong.  I realized that giving up is and will never be a choice. Oo, minsan nakakawalang gana ang buhay pero kahit ganun, we have enough reasons para bumangon.

Hindi man tayo magkatulad ng pinagdaanan, isa lang ang masasabi ko: Never give up. It might be the best option but still never choose that one. Sabi nga nila, “this, too, shall pass”. Kaya ano man ang pinagdaanan mo ngayon, umasa ka na may light at the end of the dim tunnel. Continue to hope without having second thoughts. Things will get better eventually. Everything has a purpose nga di ba? Just Trust God. Let go and Let God.

Lastly, kahit sawi sa pag-ibig, wag ka mag give up sa love kasi true love waits. Dadating at dadating din yan in the most unexpected way. Don’t chase over it. Masasaktan ka lang sa huli. Para lang yang isang hilaw na mangga, kailangan mo hintayin kung kailan ito saktong naging hinog para matikman ang tamis. My point? Things should be taken slowly but surely. Hindi mo man naiintindihan pero later on, you will.

Sabi nga ni Lola Nidora, “ang lahat ng bagay ay may tamang panahon”.

Ikaw ba? para kanino ka #Humuhugot?

Patuloy parin sa agos ng buhay at naniniwala sa forever,

Louisse.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s