Paano ba ako makakalimot?

Paano ba ako makakalimot?

Saan ba ako magsisimula?

Hanggang kailan ko ba ito kayang tiisin para lang makalimot ng tuluyan?

Paano nga ba? Ano ba talaga ang dapat kung gawin?

O kaya ang isang tanong kong “Paano” ay masundan na naman ng isa pang “Paano”?

Hindi ko alam kung naguguluhan lang ba ako o sadyang ang isip ko’y mapanlinlang katulad nang puso’y  nahulog sa maling akala.

Oo, puso’y nahulog sa maling akala dahil umasa ako na ako ang dahilan kung bakit ka masaya o di kaya bakit ka naging masigla sa bawat araw na nakikita kita. Sa bawat kaba kapag malapit o lumalapit ako sayo. Sa bawat sulyap mo kung nasaan ako. Sa bawat indirect actions mo. Sa isang reply na naging makuhulugan sa isang taong tulad ko na patuloy na umaasa na may pag-asa ang salitang “tayo” kahit hindi man ngayon pero papunta na doon. Kahit ano man ang gawin mo tanggap ko dahil sa isang akala na meron talaga pero sa katotohanan, unrequited pala.

Oo, masakit. Masakit ang isang bagay na akala mo yun na pero hindi pala, katulad ng ginto na naging bato pa. Umasa lang ako sa wala. Hindi na nga natuto sa linyang “never assume unless stated”, naging tanga pa. Akala ko lang pala ang lahat ng iyon na naging mundo ko na pero sayo parang balewala lang. Umasa ako at patuloy na ginagawa kahit walang kasiguraduhan. Sabi nila, take the risk and fall pero paano kung ginawa ko nga yan pero walang sasalo? Masasaktan lang ako kahit sasaluhin mo pa ako pero ikaw mismo hindi sigurado sa sarili mo na samahan ako to take risk and fall o di kaya gagawin mo din yan pero hindi para sa akin kundi para sa iba. Masaklap, masakit ang katotohan sa salitang unrequited pero patuloy ang buhay.

Kaya eto ako ngayon nagtatanong kung paano nga ba makakalimot? Paano nga ba makakalimot sa isang katulad mo?

Paano nga ba ako makakalimot kung sa bawat oras ay bigla ka nalang pumapasok sa isip ko?

Paano nga ba ako makakalimot kung sa bawat tingin at lingon, ang iyong matipid ngunit matamis na ngiti ang hinahanap ko?

Paano nga ba ako makakalimot kung sa tuwing sinasabihan ko ang sarili ko na magmomove-on kontra ang puso ko?

Paano nga ba ako makakalimot kung sa panaginip ay pinapaasa mo parin ako sa salitang “tayo”?

Paano nga ba ako makakalimot kung kailan lumalayo na ako, ikaw ay lumalapit?

Paano nga ba ako makakalimot kung ang presensya mo ay katulad ng magnet na hinihila ako pabalik kahit gaano ko man gusto makawala?

Paano nga ba ako makakalimot kung sinasabi ng mga mata mo ang mga salitang “Please stay with me”?

Paano nga ba ako makakalimot kung binibigyan mo ako ng indirect signs para ipaglaban ang dehadong damdamin na ito?

Paano nga ba ako makakalimot kung ang pangalan mo ang tanging binubulong ng puso’t isipan?

Paano nga ba ako makakalimot kung ang salitang “tayo” ay nagbibigay pag-asa?

Paano nga ba ako makakalimot kung mismo sa sarili ko hindi ko alam?

Paano nga ba ako makakalimot kung inaamin ko na ang salitang “move on” ay madaling sabihin pero mahirap gawin?

Paano nga ba ako makakalimot kung patuloy parin ako umaasa?

Paano nga ba ako makakalimot? Paano nga ba kung bawat rason ay walang halaga?

Paano nga ba? Paano?

Siguro ako’y naguguluhan sa mga tanong  ngayon pero alam ko balang araw, masasagot ko ang lahat nang  ito at masasabi na “finally, I’ve move on”. Hindi naman tayo sina Popoy at Basha na may “A second chance” at sabihin ko sayo na “sana ako nalang”. Hindi rin naman ako si Mace na kailangan pa umakyat ng Sagada at maglakad sa Session Road para malaman ang sagot sa tanong na “Where do broken hearts go nga ba?”

Kaya hanggang kaya pa, lalaban ako hanggang sa maubos ang lahat ng rason kung bakit ako lumalaban. Dahil alam ko kinabukasan, sa paggising ko, marerealize kong bumitaw at malaman kung paano nga ba makakalimot sa isang tulad mo na naging dahilan ng bawat saya at lungkot ng isang katulad ko. At ngayon pa lang, sinasabihan na kita na hindi lahat ng panahon ako’y maghihintay na parang tambay sa kanto buong maghapon at magdamag. Tao parin ako, marunong masaktan, mapagod at bumitaw.

Sana sa pagbitaw ko, wala na akong rason na bumalik pa o manghinayang. Sana sa pagbitaw ko, hindi na ako magdadalawang isip at lumingon muli.

Sana sa pagdating ng panahon na ito, alam ko na kung paano nga ba makakalimot sa isang katulad mo na minsan na naging parte ng buhay ko.

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s