Dear self, susuko ka na nga ba?

This was an intended blog post way back  1st sem, First year (2015) in Law school. I didn’t remember I have this one until I saw it saved in my google drive.

“See you next year sa Crim law 1 take 2!” Patawa na sabi namin sa isa’t-isa pagkatapos ng final exam namin sa Criminal Law 1. Itinawa na lang namin ang problema na tila hinampas sa amin sa harap pero todo deny parin kami. Oo, pinilit namin na idaan lahat sa biro kahit deep inside nakakapanghihinayang at napakasakit.

Masakit. Masakit ang bumagsak for the first time in my 21 years of existence. Nakakapanibago dahil naipasa ko nga ang first board exam ng psychometrician na wala kaming ideya sa lalabas pero ang criminal law 1 na isang semester pinag-aralan namin pero hindi ko parin nagawang ipasa kahit sa midterms man lang at sigurado ako na hindi ko rin naipasa ang final exam.

Saan nga ba ako nagkulang?

Kung mas pinag-igihan ko pa kaya ang pagmemorize ng provisions baka naipasa ko? O di kaya, kung mas sinaulo ko pa ang mga ganap  at dinigest ng maayos  ang  assign cases, naitawid ko kaya? O kung nag volunteer ako sa recitations sa mga pagkakataon na pwede mag volunteer?

Aminado naman ako nagkulang ako. Ayoko sisihin si Judge kung bakit ganyan kahirap ang exams niya. Sabi nga niya, “Walang personalan.” Tama naman siya. Kaya hindi ko siya sinisisi sa problema na ako lang ang may alam kung paano makabawi.

Ang tanong, Kaya ko pa ba? Dear Self, susuko ka na ba?

Ang isang tanong na tila bumabagabag simula nang na-feel ko ang lahat ng hirap sa Law school. Akala ko madali, akala ko pwede na ang efforts ko pero hindi pa pala. Isang maling akala. Wala naman kasi nagsabi sa akin na mahirap maitawid ang lahat ng ganap sa law school. Sobrang hirap na tila gusto mo na mag withdraw right at that moment pero hindi ko ginawa.

Hindi ako masochista para mag enjoy na masaktan at lalong lalo hindi ako sadista na gusto manakit. Isa lang akong simpleng babae na may pangarap maging isang tanyag na abogada.

I know that studying law wouldn’t be easy like a piece of cake. And I admit truly that my best wasn’t good enough.

At ang bumagsak sa isang subject ay hindi na panibago.

Alam niyo yung feeling na naibigay mo na ang lahat pero hindi parin sapat? Yan ang nafefeel ko kapag nag aaral ako sa criminal law. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan ako. Naging madali naman ang PERSONS at CONSTI LAW 1 pero pagdating sa Crim hindi ko magawa.

Pero kahit ganun, patuloy parin ang buhay.

Aminado naman kasi ako na nagkulang ako sa unang semester sa law school. Ang efforts ko ay pang mediocre at ito ang naging puno’t dulo ng pagkakamali ko. Sana ay naitama ko na mas maaga pero hindi eh, hinayaan ko lang at pinagsisihan ko. I intended to lose my hope and passively give up when I know I’m losing. Nasaan na ba ang babae na palaban noon? Nasaan na ba ang babae who enrolled Organic Chemistry section for chemistry majors and manage to survived? Nasaan na ba ako sa punto ng buhay ko?

xxx

After two years, andito parin ako sa Law school, fighting to third year irregular status. Same school pa din and felt relieved that I survived one of the hardest semester that I had after the time this post was intended. I also manage to passed all my criminal law subjects. One take na ako sa criminal law 2. I learned from my mistake and brave enough to try again. Naisip ko nga if I quit, nasaan na nga ako ngayon? Pagsisihan ko rin ba na hindi ako nagpatuloy?

Pahirap ng pahirap na ang law school but andito parin ako, nagpakatatag para sa pamilya ko at para sa bayan. I know this is my destiny. It is just a matter of time when will this destiny be fulfilled. Definitely, it will be on God’s perfect time. This law school setbacks is a preparation for a major comeback that you will emerged victorious.

May random moments na naiisip ko ang panghihinayang sa pagkakataon na sinayang ko. But I always believe in everything happens for a reason and we always have our perfect time. Hindi man yan ngayon pero alam mo na dadarating yan. We have our own moments of “breakdown to breakthrough”. And this is the reason why I keep going with this destiny.

As Howie Day’s Collide song goes, “Even the best fall down sometimes”. It made me realize that for once, it is okay to fail and learn from it. Kailan ba naging krimen ang bumagsak? Kailan ba naging bawal ang failures sa buhay? What is important is we learn from it and work harder.

Lalaban ako para sa pangarap, para sa pamilya, at para sa bayan.

xxx

To the one reading this:

If you’re one of the people who criticized me and my family since then and still do, you don’t have the right to judge me of my failures because first and foremost, you have your own set of failures. Second, you won’t have to lived my life and take that as a relief than a losing bet. Lastly, who are you to judged me in the midst of your imperfect life?

Don’t worry, I acknowledge my own failures and strive hard to be a better version of myself. If my failure gives you entertainment and a gossip worth-telling to the world, you are free to do so but remember, I won’t give you the benefit to enjoy my misery. I’m still going to fight for my dreams and emerge victorious. Just watch me in proving you wrong.  I’m quoting Miss Philippines Universe 2016, Maxine Medina’s message to her bashers, “3 words to my bashers: I love you”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s